Isang malugod na pagbati mula sa Google Groups, pag-aari at pinapatakbo ng Google Inc. ("Google"). Sa paggamit ng serbisyo ng Google Groups (ang "Serbisyo"), tinatanggap mo at pumapayag kang masaklawan ng mga sumusunod na takda at kondisyon (ang "Mga Takda ng Serbisyo"). Walang anuman sa Mga Takda ng Serbisyo ang maaaring mabasa na nagbibigay ng anumang karapatan sa mga ikatlong partido na makikinabang.

1. Paglalarawan sa Serbisyo

Ang Serbisyo ay naglalaman ng buong archive ng Usenet discussion groups mula pa noong 1981. Bilang karagdagan sa pagbibigay ng Usenet archive, ikaw ay bibigyang-kakayahan ng Serbisyo na gumawa at magpanatili ng inyong sariling Grupo. Ang "Group" ay binubuo ng mga diskusyon sa World Wide Web ("Web") at mailing list functionality na nagbibigay-kakayahan sa mga tao upang makipag-ugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan ng Internet. Ang nilalaman ng bawat Grupo ay itinatago ng Google at ginawang searchable at maaring basahin sa Web.

Maliban kung malinaw na itakda, ang Serbisyo ay maaaring baguhin o tapusin ng Google sa anumang oras para sa anumang dahilan, at ng walang abiso, na walang pananagutan sa iyo, o sinumang gumagamit ng Serbisyo o sinumang ikatlong partido. Anumang bagong tampok na madagdag sa kasalukuyang Serbisyo ay sasailalim sa Mga Takda ng Serbisyo.

2. Mga Pagbabago sa Mga Takda ng Serbisyo

Ang Mga Takda ng Serbisyo ng serbisyong ito ay maaaring baguhin ng Google sa anumang oras na mayroon o walang paabiso, at maaari ninyong i-review ang pinakabagong bersyon nito online sa anumang oras sa http://groups.google.com/googlegroups/terms_of_service3.html.

3. Pagrerehistro

Kapag nagparehistro kayo sa mga Google Groups, dapat ninyong ibigay ang totoo, wasto at kumpletong impormasyon para sa pagpaparehistro. Bilang bahagi ng proseso ng pagpaparehistro, hihilingin sa inyo ang pagpili ng username at password at magiging pananagutan ninyo ang lahat ng aktibidad na nangyayari sa ilalim ng inyong username at para sa pagtatago ng inyong password.

Upang tuparin ang Children's Online Privacy Protection Act (Batas sa Proteksiyon ng Pagiging Pribado ng mga Bata Online), sa kasalukuyan ang Google Groups ay magagamit lamang ng mga users o gumagamit na hindi bababa sa 13 taong gulang. Kung kayo ay mas bata sa 13, hindi kayo maaaring magrehistro upang gamitin ang serbisyong Google Groups.

4. Paggamit ng mga Materyales

Ang nilalaman sa loob ng Serbisyo ay protektado ng copyright at iba pang batas sa Estados Unidos at sa iba pang lugar. Kasama sa Serbisyo ang nilalaman na pag-aari o kontrolado ng Google pati na ang nilalaman na pag-aari o kontrolado ng mga ikatlong partido at lisensiyado ng Google (sa kalahatan, ang "Mga Materyales").

Pinapahintulutan kayo ng Google upang makita at ma-download ang isang kopya ng Materyales para lamang sa inyong personal at di-komersyal na paggamit. Hindi ninyo maaaring ibenta o baguhin ang Materials o gawan ng maraming kopya, ipakita, itanghal sa publiko, ipamahagi, o gamitin ang Materials sa anumang paraan para sa anumang pampubliko o komersyal na layunin na walang nakasulat na permiso ng Google Ang mga espesyal na patakaran ay maaaring iiral sa paggamit ng ilang software at iba pang bagay na ibinigay sa pamamagitan ng Serbisyo, at naitala kung saan ito naaangkop.

Kung gusto ninyo ng impormasyon tungkol sa pagkuha ng permiso ng Google upang gamitin ang anuman sa Materyales sa inyong Web site, mangyaring magpadala ng email sa groups-support@google.com.


5. Nilalaman

Ang Inyong mga Responsibilidad. Naiintindihan ninyo na lahat ng data, text, impormasyon, mga links at iba pang nilalaman (sa kalahatan, " Nilalaman"), kung ito man ay nai-post sa publiko o sa mga eksklusibong grupo, ay responsibilidad lamang ng tao kung saan nanggaling ang naturang Nilalaman. Ang ibig sabihin nito ay kayo, at hindi ang Google, ang siyang tanging responsable para sa lahat ng nilalaman na inyong ilalathala, ipo-post, ia-upload, ipapamahagi, ikakalat o ipapadala (sa kalahatan, “Post”) sa pamamagitan ng Serbisyo. Naiintindihan ninyong na sa pamamagitan ng paggamit ng Serbisyo, maaari kayong makakakita ng Nilalaman na hindi kaaya-aya, hindi disente, o di-kanais-nais. Wala sa anumang sitwasyon na mananagot ang Google sa anumang paraan para sa anumang Nilalaman, kasama, ngunit hindi lamang limitado sa, ang anumang pagkakamali o di-pagkakatama ng anumang sa Nilalaman, o para sa anumang kawalan o anumang klaseng pagkasira ng anumang uri bilang resulta ng paggamit sa anumang Nilalaman na nai-post sa pamamagitan ng Serbisyo. Sumasang-ayon kayo na dapat ninyong pag-aralan, at akuin ang lahat ng panganib na kaugnay sa paggamit ng anumang Nilalaman, kasama ang anumang pagtitiwala sa ganap na kawastuhan, pagkakumpleto, o pakinabang ng naturang Nilalaman. Naiintindihan ninyo na ang technical processing at paghahatid ng Serbisyo, kasama ang Nilalaman, ay maaaring magkasama sa (a) paghahatid sa iba’t ibang mga network; at (b) pagbabago upang tumupad at bumagay sa mga technical requirement ng mga magkaugnay na network o mga kagamitan.

Mga Karapatan at Responsibilidad ng May-ari ng Group. Ang mga May-ari ng Grupo ay mayroong karagdagang kakayahan at responsibilidad pagdating sa mga miyembro at Nilalaman ng isang Grupo. Ang May-ari ng Grupo ang nagdedesisyon kung ang isang Group ay eksklusibo o limitado lamang para sa ilang miyembro o pangkaraniwang ma-a-access ng publiko, at maaaring baguhin ng May-ari ang access sa Grupo sa anumang oras. Sa mga eksklusibong Grupo, ang May-ari ang nagdedesisyon kung sino ang maaaring maging miyembro ng Grupo at makaka-access at makapagpapalit ng listahan ng miyembro ayun sa kanyang kagustuhan. Ang May-ari ng Grupo, sa anumang oras, ay maaaring maglipat ng kanyang pagmamay-ari ng isang grupo sa ibang gumagamit ng Google Groups. Tungkol sa Nilalaman, ang May-ari ng Grupo ang siyang responsable para sa pagpapanatili at pagsubaybay ng Nilalaman ng Grupo, kasama ang pagtanggal ng anumang Grupo, Nilalaman o archived na Nilalaman sa anumang oras.

Kailangang Markahan ng May-ari ng Grupo ang Malinaw na Sekswal na Nilalaman. Kung gagawa kayo ng Grupo na naglalaman ng malinaw na sekswal na Nilalaman na hindi naaangkop sa mga menor de edad, pumapayag kayong markahan na ganito ang Grupo. Kapag ang inyong Grupo ay may nilalaman na malinaw na sekswal at hindi ninyo mamarkahan ng naaangkop ang Grupo, may karapatan ang Google na tanggalin ang inyong Grupo, kasama ang lahat ng mga mensahe na nai-Post sa Grupo na iyon.

Mga Karapatan ng Google. Tinatanggap ninyo na hindi iniis-screen, kinokontrol, ine-edit o ine-rerekomenda ng Google ang Nilalaman na naipamahagi sa pamamagitan ng Serbisyo at wala itong obligasyon na subaybayan ang Nilalaman Ipinapakita sa Serbisyo. Kapag natuklasan ng Google ang Nilalaman na hindi tumutupad sa Mga Takda ng Serbisyo, maaaring mag-imbestiga ang Google at alamin na walang malisya at nasa sa kanyang tanging pagpapasya kung tatanggalin ang Nilalaman. Walang pananagutan o responsibilidad ang Google para sa paggawa o di-paggawa sa naturang mga gawain. Tinatanggap ninyo na ang ilang Grupo na mabubuksan sa pamamagitan ng Serbisyo ay maaari lamang sa pamamagitan ng Serbisyo at ang iba ay maaaring parehong sa pamamagitan ng Serbisyo at ibang pinanggalingan, kagaya ng Usenet, kung saan walang lubusang kontrol ang Google.

Pagtanggal at Pagtatago ng Nilalaman. Kung kayo ay hindi May-ari ng Grupo, maaari kayong (1) humiling ng pagkatanggal ng isang mensahe na inyong mismong inilagay o (2) pigilan ang pagtago ng inyong mensahe. Para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa pagpigil ng apag-archive, mangyaring tingnan ang aming FAQ.) Pumapayag kayo na lutasin mismo at tanging sa ikatlong partido ang anumang alitan na maaaring mayroon kayo tungkol sa mga mensahe na na-post o maaari ninyong kontakin ang May-ari ng Grupo upang hilingin ang pagkakatanggal nito. At dahil dito, naiintindihan ninyo na hindi sinusubaybayan o kinokontrol ng Google ang nilalaman ng impormasyon na nai-Post ng iba, at sa halip ay nagbibigay lamang ng serbisyo upang ma-access ng mga gumagamit ang impormasyong ginawa.

6. Naaangkop ng Pagkilos

Sumasang-ayon kayo na responsable kayo sa inyong kilos at mga komunikasyon habang ginagamit ang Serbisyo at para sa anumang idudulot nito. Sumasang-ayon kayo na gagamitin lamang ang Serbisyo upang magpadala at tumanggap ng mga mensahe at materyal na legal, naaangkop at nauugnay sa partikular na Grupo. Bilang halimbawa, at hindi bilang limitasyon, sumasang-ayon kayong kapag ginagamit ang Serbisyo, hindi kayo:

  • maninirang-puri, mang-aabuso, mananakot, susubaybayan, babantaan o di kaya ay lalabag sa legal na karapatan (kagaya ng karapatan sa pagkapribado at publisidad) ng iba;
  • magpo-post ng anumang di-angkop, nakakasirang-puri, lumalabag, malaswa, o labag sa batas na Nilalaman;
  • magpo-post ng anumang Nilalaman na lalabag sa anumang patent, trademark, copyright, sikreto ng kalakalan o ibang karapatan ng pagmamay-ari ng anumang partido (ang “Mga Karapatan”), maliban kung kayo ang may-ari ng Mga Karapatan o mayroong permiso ng may-ari upang mag-Post ng ganoong Nilalaman;
  • magpo-post ng mga mensahe na magsisimula ng pyramid schemes, chain letter o nakakasirang komersyal na mensahe o patalastas, o anumang ipinagbabawal ng may-ari ng Grupo.
  • magda-download ng anumang file na nai-Post ng ibang user ng Grupo na alam ninyo, na hindi maaaring legal na ipamahagi sa ganoong paraan;
  • magkukunwari bilang ibang tao o entity, o magpapalsipika o magtatanggal ng anumang mga pagkilala sa awtor, legal o ibang wastong paunawa o pagmamarka ng pagmamay-ari o mga tatak ng pinagmulan ng software o ibang material na nakapaloob sa file na nai-Post;
  • hihigpitan o pipigilan ang ibang user sa paggamit at maglilibang sa Serbisyo;
  • gagamitin ang Serbisyo para sa anumang di-legal o walang pahintulot na layunin;
  • tatanggalin ang anumang copyright, trademark o ibang paalala ng karapatan ng pagmamay-ari na nakapaloob sa Serbisyo;
  • makikialam sa o sisirain ang Serbisyo o mga server o network na konektado sa Serbisyo, o lalabag sa anumang pangangailangan, proseso, patakaran o pamamalakad ng mga network na konektado sa Serbisyo;
  • gagamit ng anumang robot, spider, site search/retrieval application, o iba pang kagamitan upang makuha o ma-index ang anumang bahagi ng Serbisyo o mangalap ng impormasyon tungkol sa mga users para sa anumang walang pahintulot na layunin;
  • magsusumite ng Nilalaman na peke na naglalahad o nagpapahiwatig na ang ganoong Nilalaman ay tinatangkilik o ine-rerekomenda ng Google;
  • gagawa ng mga user account sa pamamagitan ng automated na paraan o sa ilalim ng huwad o mapanlinlang na pagkukunwari;
  • magtataguyod o magbibigay ng impormasyong nagtuturo tungkol sa ilegal na mga gawain o nagtataguyod ng pisikal na pananakit o pagkasugat laban sa anumang grupo o indibidwal; o
  • magpapadala ng anumang viruses, worms, defects, Trojan horses, o anumang bagay na likas na nakakasira.
Pumapayag ang mga pandaigdigang users na sumunod sa kanilang sariling lokal na mga tuntunin tungkol sa online na gawain at katanggap-tanggap na nilalaman, pati na ang mga batas na namamahala sa pag-export ng data sa Estados Unidos o sa inyong tinitirhang bansa.

Kahit na hindi pinapahintulutan ng Google ang ganoong gawain at Nilalaman na may kinalaman sa Serbisyo, naiintindihan ninyo at sumasang-ayon na kayo ay maaaring ma-expose sa ganoong gawain at/o Nilalaman at gagamitin ninyo ang Serbisyo sa ninyong sariling pakikipagsapalaran.

7. Karapatang Pagmamay-ari

Mga Karapatan ng Google

Ang lahat ng karapatan sa Serbisyo, na naglalaman ng mga pagmamay-ari at kumpidensyal na impormasyon na protektado ng maaaring pairalin na mga batas sa intellectual property at iba pang mga batas ay pag-aari ng Google at ng kanyang mga kasapi at tagapag-bigay lisensya. Maliban sa malinaw na pinahintulutan ng Google, hindi ninyo maaaring kopyahin, baguhin, ilathala, ipadala, ipamahagi, itanghal, ilantad o ibenta ang anuman sa mga impormasyong pagmamay-ari ng Google. Ang “GOOGLE”, ang logo na “GOOGLE” at “GOOGLE GROUPS” ay mga tatak ng Google.

Ang Inyong mga Karapatan

Walang inaangkin ang Google na pagmamay-ari o kontrol sa anumang Nilalaman na naisumite, nai-Post o naipakita ninyo sa o sa pamamagitan ng Serbisyo. Mananatili sa inyo o sa ikatlong partido na nagbibigay lisensiya, kung naaangkop, ang lahat ng patent, tatak at copyright sa lahat ng Nilalaman na inyong isumite, i-Post o ipakita ninyo sa o sa pamamagitan ng Serbisyo at kayo ang responsable para sa pagprotekta sa mga karapatang iyon, kung naaangkop. Sa pagsusumite, pagpo-Post o pagpapakita ng Nilalaman sa o sa pamamagitan ng Serbisyo, binibigyan ninyo ang Google ng pandaigdigan, di-eksklusibo, walang royalty na lisenya upang padamihin, ibagay at ilathala ang ganoong Nilalaman sa Serbisyo na tanging para sa layuning pagpapakita, pamamahagi at pagtatangkilik ng Serbisyo o anumang ibang pang Serbisyo ng Google. Ang lisensyang ito ay magtatapos kapag ang ganoong Nilalaman ay natanggal mula sa Serbisyo. Inilalaan ng Google ang karapatang ibenta ang naisumiteng Nilalaman, na nai-Post o ipinakita ninyo sa o sa pamamagitan ng Serbisyo at gamitin ang Nilalaman na ito kaugnay ng ibang serbisyo na iniaalok ng Google.

Digital Millennium Copyright Act

Patakaran naming tumugon sa mga paunawa tungkol sa inaakalang paglabag na tumutupad sa Digital Millenium Copyright Act. Para sa mga tagubilin at mas marami pang impormasyon, mangyaring tingnan ang http://www.google.com/dmca.html.

8. Mga Karaniwang Gawain Tungkol sa Paggamit at Pagtatago

Sumasang-ayon kayo na walang responsibilidad o pananagutan ang Google para sa pagtanggal o hindi pagkakatago ng anumang Nilalaman na pinananatili o nai-Post ng o sa pamamagitan ng Serbisyo. Kinikilala ninyo na ang Google ay walang tiyak na upper limit sa bilang ng transmission na maaari ninyong pagpadala o pagtanggap sa pamamagitan ng Serbisyo o sa laki ng storage space na nagamit; subalit, nananatili sa amin ang karapatan, sa aming tanging pagpapasya, na gumawa ng mga limitasyon sa anumang oras mayroon man o walang abiso.

9. Mga Link

Ang Serbisyo o mga ikatlong partido ay maaaring magbigay ng mga link sa ibang mga World Wide Web sites o resources. Dahil walang kontrol ang Google sa ganoong mga site at resource, kinikilala ninyo at sumasang-ayon kayong hindi responsable ang Google para sa kahandaan ng mga ganoong panlabas na sites o resources, at hindi nito inirerekomenda at hindi ito responsable o walang itong pananagutan para sa anumang nilalaman sa o makukuha mula sa ganoong sites o resources. Kinikilala din ninyo at sumasang-ayon na hindi magiging responsable o hindi magkakaroon ng pananagutan ang Google, direkta o di-direkta, para sa anumang kasiraan o kawalan dahil o inaakalang sanhi ng o may kaugnayan sa paggamit ng o pagtitiwala sa anumang ganoong nilalaman na makukuha sa o sa pamamagitan ng anumang ganoong site o resource.

10. Mga Patalastas

Ang Google Groups ay isang ad-supported na serbisyo. Dahil dito, nagpapakita kami ng mga palatastas at mga promosyon sa Serbisyo. Ang paraan, kalakaran at hangganan ng pagpapatalastas ng Google sa Serbisyo ay maaaring magbabago. Sumasang-ayon kayo na hindi magiging responsable o magkakaroon ng pananagutan ang Google para sa anumang kawalan o pagkasira sa anumang paraan na nangyari bilang resulta ng ganoong mga gawain o bilang resulta ng pagkakaroong ng ganitong advertisers sa Serbisyo.

11. Pagiging Pribado ng Gumagamit

Bilang kondisyon sa paggamit sa Serbisyo, sumasang-ayon kayo sa mga takda ng Pagiging Pribado ng mga Google Groups , na maaari itong magbago pana-panahon. Magbibigay ang Google ng abiso tungkol sa anumang mahalagang pagbabago sa pamamagitan ng paglalagay ng link sa Google Groups home page o sa email. Naiintindihan ninyo at sumasang-ayon kayo na maaaring i-access, itago at isiwalat ng Google ang inyong personal na impormasyon at ang mga nilalaman ng inyong account upang maibigay ang Serbisyo o kung kinakailangang gawin ito ayon sa batas o sa walang malisyang paniniwala na ang ganoong access preservation o pagsisiwalat ay kinakailangan upang tumupad sa mga legal na proseso o protektahan ang karapatan, mga ari-arian at/o kaligtasan ng Google, ang kanyang mga kasapi o ang publiko. Ang personal na impormasyon na kinalap ng Google ay maaaring maitago at naproseso sa Estados Unidos o sa ibang bansa kung saan nagtalaga ang Google o kanyang mga ahente ng pasilidad. Sa paggamit sa Serbisyo, pinapahintulutan ninyo ang ganoong paglilipat ng impormasyon palabas ng inyong bansa.

Para sa buong paglalarawan kung paano pinapanatili ng Google ang ibinibigay ninyong personal na impormasyon, mangyaring tingnan ang aming Patakaran sa Pagiging Pribado

12. Pagtatatwa sa mga Garantiya


Itinatatwa ng Google, ng kanyang mga kasapi, tagapag-bigay ng lisensya, mga kasama, tagatustos, mga konsultant at ahente ("Mga Entity ng Google") ang anuman at lahat ng responsibilidad o pananagutan para sa kawastuhan, nilalaman, pagkakumpleto, legalidad, kahusayan, o kahandaan ng impormasyon o Nilalaman na naipapakita sa Serbisyo. Itinatanggi ng Google Entities ang anuman at lahat ng responsibilidad at pananagutan para sa inyong kilos at para sa kilos ng ibang gumagamit ng Serbisyo.

ANG SERBISYO, AT LAHAT NG NILALAMAN, IMPORMASYON (KASAMA, NANG WALANG LIMITASYON, ANG ANUMANG IMPORMASYON O NILALAMAN NA NAKUHA O NA-ACCESS SA PAMAMAGITAN NG SERBISYO), MGA PRODUKTO AT MGA SERBISYONG KASAMA DITO AY IBINIBIGAY “AS IS,” NA WALANG ANUMANG GARANTIYA. .MALINAW NA ITINATANGGI NG GOOGLE ENTITIES SA HANGGANANG PINAPAYAGAN NG BATAS ANG LAHAT NG MALINAW, IPINAPAKAHULUGAN, AT MGA WARANTIYANG ITINAKDA NG BATAS, KASAMA, NA WALANG LIMITASYON, ANG MGA GARANTIYA NG MERCHANTABILITY, KAANGKUPAN PARA SA PARTIKULAR NA LAYUNIN, AT DI-PAGLABAG SA MGA KARAPATAN NG PAGMAMAY-ARI. Ilang estado ang hindi pumapayag sa pagbubukod o limitasyon ng ipinapakahulugang garantiya, kaya ang pagtatanggi na nasa itaas ay maaaring hindi pairalin para sa inyo.

SUMASANG-AYON KAYO NA INYONG GAGAMITIN ANG MGA SERBISYO SA INYONG SARILING PAKIKIPAGSAPARALAN

13. Tukuying Di-Makapipinsala at Pagbabayad bg Pinsala

Sumasang-ayon kayo na ituturing na di-makapipinsala at magbabayad ng pinsala sa Google mula at laban sa anumang paghahabol ng ikatlong partido na nanggagaling sa o sa anumang paraan na kaugnay sa inyong paggamit sa Serbisyo, kasama ang anumang pananagutan o gastos na nagmumula sa lahat ng hahabol ng o paghahabol, kawalan, kasiraan (aktwal o bilang resulta), mga demanda, paghatol, gastos sa pagsasakdal at bayad sa abogado, sa lahat ng klase at uri. Sa ganoong kaso, bibigyan kayo ng Google ng nakasulat na abiso ng ganoong paghahabol, demanda o aksyon.

14. Limitasyon ng Pananagutan


SA WALANG ANUMANG PAGKAKATAON NA MAGKAKAROON NG PANANAGUTAN ANG GOOGLE SA INYO PARA SA DI-TUWIRAN, NAUUGNAY, DI-TUWIRANG RESULTA, ESPESYAL O PAMBABALANG BAYAD-PINSALA NA NAGMUMULA SA O KAUGNAY SA PAGGAMIT NG SERBISYO, NAABISUHAN MAN ANG GOOGLE O HINDI TUNGKOL SA POSIBILIDAD NG GANOONG MGA KASIRAAN. ANG GANOONG LIMITASYON NG PANANAGUTAN AY IIRAL LAMANG (I) NAGMULA MAN ANG MGA KASIRAAN SA PAGGAMIT O MALING PAGGAMIT NG AT PAGTITIWALA SA SERBISYO, MULA SA HINDI PAGGAMIT SA SERBISYO, O MULA SA PAGKAANTALA, PAGKASUSPINDE, O PAGTATAPOS NG SERBISYO (KASAMA ANG MGA KASIRAAN NA NANGYARI DAHIL SA IKATLONG PARTIDO), AT (II) SA KABILA NG ANUMANG PAGKABIGO NG MAHALAGANG LAYUNIN NG ANUMANG LIMITADONG REMEDYO AT SA HANGGANAN NA PINAPAHINTULUTAN NG BATAS. May ilang estado na hindi pinapahintulutan ang pagbubukod o limitasyon ng kaugnay o di-tuwirang resulta na pagkasira, kaya ang limitasyong nabanggit sa itaas ay maaaring hindi pairalin para sa inyo. SA WALANG ANUMANG PAGKAKATAONG MAGKAKAROON NG PANANAGUTAN ANG GOOGLE SA INYO PARA SA ANUMANG HALAGA NA LUMALAMPAS SA ISANG LIBONG DOLYAR ($1,000.00).

15. Takda at Pagtatapos

Ang Mga Takda ng Serbisyo ay iiral lamang para sa inyong paggamit sa Serbisyo. Maaari ninyong tapusin kaagad ang inyong paggamit sa Serbisyo sa anumang oras, para sa anumang rason, sa pamamagitan ng pagkontak sa customer support. Maaari naming tapusin kaagad ang inyong paggamit sa Serbisyo sa anumang oras, para sa anumang rason, at sa oras na ito wala na kayong karapatang gamitin ang Serbisyo. Ang aming karapatan ng pagmamay-ari, pagtatanggi ng garantiya, mga bayad-pinsala, limitasyon ng pananagutan at iba pang probisyon ay mamamalagi sa kabila ng ganoong pagtatapos.

16. Mga Abiso

Maaaring magbigay sa inyo ang Google na mga abiso tungkol sa Serbisyo o sa Takda ng Serbisyo na ito sa pamamagitan ng email o mga posting sa Web site na ito.

17. Iba pang Probisyon

Ang Takda ng Serbisyo ay pamamahalaan ng at mangangahulugan alinsunod sa mga batas ng Estado ng California, na hindi nagreresulta sa salungatan ng mga probisyon ng batas o ang inyong aktwal na tirahang estado o bansa. Ang mga partido ay sumasang-ayon na magsumite sa personal at eksklusibong kapangyarihan ng mga korte na nasa County of Santa Barbara, California. Kung dahil sa anumang kadahilanan ang isang korte ng kapangyarihan ay magpasiyang ang anumang probisyon o bahagi ng Takda ng Serbisyo ay hindi maaaring ipatupad, ang natitira sa Takda ng Serbisyo ay mananatiling may bisa at epekto. Hindi ninyo itatalaga ang Takda ng Serbisyo o itatalaga ang anumang karapatan o ipakatawan ang anumang obligasyon na nasa ilalim nito, sa kabuuan o bahagi, kung boluntaryo man o ayon sa batas, nang walang naunang nakasulat na pahintulot. Anumang nangangahulugang pagtatalaga o delegasyon ay walang bisa o epekto.

Walang anumang pagkakataon, nang walang limitasyon sa naunang nabanggit, na magkakaroon ng pananagutan ang Google para sa anumang pagkaantala o pagkabigo sa paggawa bilang tuwiran o di-tuwirang resulta mula sa mga natural na pangyayari, o mga dahilan na wala sa kontrol nito, kasama, ngunit hindi limitado sa, pagpalya ng Internet, pagpalya sa mga kagamitan ng computer, pagpalya ng telecommunication equipment, ibang equipment failures, kawalan ng kuryente, pagwewelga, labor disputes, riots, pag-aalsa, civil disturbances, kakulangan ng trabahador o material, mga sunog, pagbaha, bagyo, pagsabog, mga gawain ng Diyos, giyera, mga hakbang ng gobyerno, mga bilin ng lokal o banyagang korte o tribunal, hindi pagganap ng ikatlong padtido, o kawalan ng o pagbabagu-bago ng init, ilaw, o air conditioning.

Ang Takda ng Serbisyo ay binubuo ng buong kasunduan ninyo at ng Google tungkol sa paksa dito at hinahalinhan at pinapalitan ang lahat ng nauna o kasalukuyang unawaan o kasunduan, nakasulat o sa salita, tungkol sa paksang ito. Anumang pagtalikod sa anumang probisyon ng Takda ng Serbisyo ng kahit sinong partido ay magiging epektibo lamang kapag ito ay nakasulat at nalagdaan ng isang partido.

 


©2008 Google  -   Takda ng Serbisyo - Patakaran ng Pagiging Pribado - Help - Ang Mga Google Groups