|
Mga Patakaran ng Privacy ng Google Groups
Hulyo 2006
Ang Patakaran ng Google Privacy ay naglalarawan kung paano namin inaalagaan ang iyong pribadong impormasyon kapag kayo ay gumagamit ng mga produkto at serbisyo ng Google, kasama ang impormasyong binibigay kapag kayo ay gumamit ng Google Groups. Dagdag pa rito, ang mga sumusunod ay naglalarawan ng aming pribadong gawain para sa Google Groups.
Personal na Impormasyon
- Kailangan mo ng Google Account para makalikha ng grupo o maglagay ng mga puna sa serbisyo ng Google Groups. Humihingi ang Google ng ilang personal na impormasyon kapag lumikha ka ng Google Account, kasama ang iyong email address at password, na gagamitin pra pangalagaan ang iyong account sa hindi pinahihintulutang pagpasok. Ang Google Account ay papahintulutan kang makapasok sa aming mga serbisyo na kailangan ng pagrehistro. Ikaw ay maaaring maghanap at magbasa ng mga puna sa mga pampublikong grupo na kahit hindi nakarehistro sa isang account.
- Ang mga nilalaman ng mga post, custom pages at files, kasama ang kahit anong mga teksto, imahe, larawan, video, at audio, na ipapasa mo sa Google Groups ay nakatago at pinangangalagaan ng mga Google servers para mailathala ito at magbigay ng serbisyo. Ang mga nilalaman ng iyong ipapasa ay mauugnay sa iyong profile, kapag ikaw ay nakatapos ng isa, o isang "nakatagong" bersyon ng iyong email address, o kung hindi man. Kami ay nagtatago ng email bilang pagsisikap upang pangalagaan ang mga gumagamit mula a mga email harvesting software at bots. Pakitandaan na ang Google ay hindi maaaring magtago ng nilalaman, kasama ang mga email adres, na mga nakalagay na sa sarili mong pahina.
- Kung ikaw ay may Google Account at miyembro ng Grupo, ikaw ay maaaring maglikha ng pampublikong profile na kasama ang ilang personal na impormasyon, kasama ang iyong pangalan, geogaphical location, email address at ibang impormasyon ng user at content. Kapag tiningnan ng mga user ang iyong profile, makikita nila ang impormasyong ng iyong profile pati ang links sa posts, sariling pahina, at files na normal nilang mapapasok. Kapag ikaw ay hindi gumawa ng profile, tanging ang "nakatagong" bersyon ng iyong Google Account email address ang makikita kasama ang ipinasang nilalaman.
- Kinokolekta ang pinangangalagaan ng Google ang impormasyong patungkol sa iyong Account Activity, kasama ang mga grupo na iyong sinalihan o hinahawakan, listahan ng ibang miyembro o inimbitahan sa grupo, mensahe o mga topic na iyong sinusundan, sariling pahina na iyong ginawa o in-edit, ratings na iyong ginawa, at mga preferred settings kapag ginagamit ang Google Groups.
Mga Gamit
- Ang mga impormasyon at nilalaman na iyong inilagay sa Google Groups kasama ang header information, palayaw at email address kaugnay ng posting ay makikita ng gumagamit na kayang pumasok sa grupo. Katulad ng, lahat ng impormasyon na iyong sinama sa user profile na maaaring makita ng ibang gumagamit. Ang mga may-air ng Google Group ay magpapasya kung sino ang nandoon at kung ang diskusyon ay pampubliko o hindi. Ang grupo ay maaring magsama ng mga taong hindi nila kilala. Maging maingat sa pag-post ng personal na impormasyon sa grupo, katulad ng social security numbers, financial na impormasyon o address sa bahay o numero ng telepono.
Ang Iyong Mga Pagpipilian
- Maaaring i-update, baguhin o i-disable ang iyong user profile sa anumang oras sa pagpunta sa iyong profile na pahina.
- Maari mong hingin na ang iyong posting ay i-disable, umalis sa grupo o putulin ang iyong Google Account. Mangyaring tingnan ang Ang Groups Help Center para sa kaukulang impormasyon.
- Maaari mo rin palitan ang iyong Google Groups Setting sa pamamagitan ng pag-sign-in sa Groups homepage sa kahit anong oras.
Karagdagang impormasyon
Ang Google ay sumusunod sa privacy principles ng US Safe Harbor. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Safe Harbor framework o aming pagtala, tingnan ang web site ng Department of Commerce.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Google Groups ay makukuha dito.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming privacy practices, pumunta sa buong patakaran ng privacy. Kung meron kang karagdagang katanungan, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa kahit anong oras. O sumulat sa amin sa:
Mga Pribadong Bagay
c/o Google Inc.
1600 Amphitheatre Parkway
Mountain View CA 94043 (USA) |
|