Mga kababayan ito na... ang ating sariling "Web portal"! Sa loob halos
ng dalawang buwan na sakit ng mata at puyat na inabot ko, malugod kong
ipinagmamalaki ang bagong Sariaya.net! Malaking pagbabago ang nakikita
n'yo ngayon sa ating website: mas pinaraming inpormasyon, bagong
design, mas secure na webpages, at mas masayang pag-browse ng site.
Nagsimula sa isang payak na website sa internet ngayon ito'y
nagsisilbing daan sa mga kababayan natin na nasa ibang lugar na muling
makita at malapit sa Sariaya. Sa pamamagitan ng SEO - Search Engine
Optimization, ang ating website ay pangunahin na mga listahan ng mga
top search engines sa buong mundo tuwing mayroong magsasaliksik sa
salitang "Sariaya" o "Sariaya, Quezon".
Ang Sariaya.net ay nakatuon sa kaniyang misyon: ang bukas na
inpormasyon para sa lahat upang ipakita ang ganda ng ating bayan, ang
Sariaya. Kaya patuloy ang aking pagsasaayos nito upang maging
kagagamit-gamit sa mga bumibisita. Hindi ko maiisa-isa ang mga bagay ng
idinagdag ko sa ating website, dahil lubhang napakarami nito, at gusto
ko na kayo mismo ang tumuklas, surf ka lang.
Bilang webmaster mahabang oras ang aking ginugugol upang isaayos ang
ating website. Sa aking mga kababayan, magtulungan tayo sa lalo pang
pagsasaayos nito. Malaki ang ating magagawa kung tayo ay sama-sama.
Kung mayroon kayong mungkahi o nais ibahagi upang lalo pang mapaganda
ang ating website, malaya ninyo itong maibabahagi.
Bumisita at mag- register sa ating portal ngayon sa
http://sariaya.net/portal/